Wow. Tagal ko ring nawala dito ah. Para naman akong nawalan ng anak. Ugh, drama. Ba’t ba naman kasi nakalimutan ko yung PW ko dito. Ulyanin lang? Anyway, masaya ako’t ako’y nakabalik na. Pero may ilang mga bagay-bagay pa akong kailangan’g atupagin kaya’t mawawala (ulit) ako sa ere ng ilang linggo.

Pero! Sandali nalang, babalik din ako…

(Source: bitingfingernails)

so wokos no-opon ko noron tong blog no to! shot! togol kong do nokopogchollox doto oh! shotshotshot! soyo ko. thonk yoo, Lord!

Oh sha, pwede na ulit gamitin yung ibang vowels. Hihi :)

(Source: bitingfingernails)

pabilipongkendi:

TO ATE ANN 

Narito na ang iyong hiling! TADA! Hahaha. May heart sa dulo! Naalala ko lang nung palagi tayong nagTTA! Tas kung anu-ano pinaguusapan natin pati course mo! HAHA!
-pabilipongkendi



Yeheeeey! Solomooot Lecxie :) Ngayon lang ako nag-back read ng todo eh, sensya. Ang saya neto :)

Limang araw narin akong nag-o-ojt sa print media. Napansin ko lang ba’t di ako masaya’t nahahasa yung pagsusulat ko? O di kaya’y nabibigyan ako ng tsansang imulat ang mga tao sa pait at tamis ng buhay? 

Napagtanto ko lang, hindi ko siguro magiging buhay to.

Ayaw ko ng lecheng paperworks. Mas lalong ayaw kong naghahabol ako ng mga lecheng patayan dito, aksidente doon, carnap dito, rape doon, sunog dito, baha doon. Ayaw ko ng ganun.

Hindi naman ako tamad. At hindi rin safe.

Malaki’ng respeto ko sa mga journalists sa bansang ito. Pero nasasakal ako sa ganitong klaseng buhay.

Gusto ko yung malaya akong naglalakad sa daan. Oo may takot pero may kumpyansa rin sa sarili na makakaya mo ‘to kasi masaya ka habang ginagawa mo ‘to.

Filmmaking over Journalism parin. Walang pinag-bago.

(Source: bitingfingernails)