
Above: Bonding moment with mi hermano, my brahdah, the inanimate yet closest to my heart, ang aking gitarang walang kupas kahit maalikabok na—Rae-Rae.
Guys, guys, si Rae-Rae oh! Si Rae-Rae! (Hahaha! Lakas maka-Vice Ganda)
Hirap ng walang kapatid. Sobra. Kaya minabuti kong maghanap ng kapatid sa gitara’t piano ko. Silang dalawang tinutugtog ko tuwing ano, madrama masyadong buhay. Tuwing gusto kong may kausap.
Yang sa taas, kuha yan mga 3 days ago. Sa bubong namin. Sarap ng hangin. Sarap panoorin ng mga ulap na unti-unting kumukulimlim, senyales sa paparating na gabi. Sarap panoorin ng mga ilaw ng bahay. Kahit 125/125 na tong mata ko, feeling ko klarong-klaro ko parin sila.
Sarap kumanta sa bubong. Feel ko na ring nagko-concert na ako sa Big Dome. Sarap ng palaging ganito. Kanta lang ng kanta. Tas madrama pa yung hangin. Yung clouds. Yung mga ilaw. Waw! Kung madadaan lang sa kanta lahat. Kung madadaan lang…
(Source: bitingfingernails)

Lubus-lubusin ko na ‘to. Lapit na summer. Internship ko na sa Abril at Mayo. Ino-orient ko na sarili ko sa dalawang buwang pagsusumikap sa mga papasukan kong institusyon. Oo. Dalawang buwan na puyatan na naman to. Malamang zombie na ako pagdating ng Hunyo. Hoho Kaya tugtugan time muna kasama ang aking brahdah, “Rae-rae” habang malayo-layo pa ang Abril. Ginawan ko pa talaga ng lista ang mga kantang gusto kong tugtugin.
Tabing Ilog, Barbie’s Cradle
Chasing Pavements, Adele
Valentine, Kina Grannis
High, Lighthouse Family
Lost in Space, Lighthouse Family
Pumped up kicks, Foster the People
(Source: bitingfingernails)

Ang lakas din naman talaga ng loob ko’t pinost ko pa ‘tong mukha kong ‘to. Pagpasensyahan nyo na po’t ako may nagtataka din kung bakit pinagyayabang ko ‘tong picture na ‘to. Lol
Nakita ko lang to sa drive ko. Ang seryuso ko naman tingnan dyan. Parang pasan na pasan ko ang buong mundo. O baka ang OA ko lang talaga’t maski pagtanggal ng eyeglasses, may pa-emote-emote pang nalalaman.
O sha, masuka na ang sinong gustong masuka.
(Source: bitingfingernails)

LSS na naman ako sa kantang ‘to. CHERISH yan by Madonna. May version din ang MYMP nyan. Siyempre mas swak sakin yung sa Make Your Momma Proud.
Matagal na ‘tong kantang ‘to pero isa rin ito sa mga kinakanta ko sa dyip especially tuwing late na ako sa TTH 7:30 class ko. Tangna. Haha. Ewan ko din naman ba’t tuwing TTH ako na-e-LSS dyan. Hoho
Tsaka simple lang nomon chords nyan. Dali lang gawing acoustic. Syempre acoustic para dramatic naman. Tangna. Medyo madrama din kaya pag nali-late. Haha!
Chords:
Verses: D-C-G-D/ D-C-G-D—A
Chorus: D-G-Em-A
(Source: bitingfingernails)